Nag-aalburoto na naman ang Mt. Bulusan matapos maitala ang aabot sa 12 na pagyanig.
Sa latest bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sunud-sunod na pagyanig ng bulkan ay naramdaman sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa ahensya, hindi nila matukoy kung nagkaroon ng steaming activity ang bulkan bunsod na rin ng makapal na ulap na tumatakip sa crater nito.
Sinabi ng Phivolcs na ang naranasang volcanic earthquakes ay senyales lamang umano ng pagiging aktibo pa nito at posibleng makapagtala rin ito ng steam-driven eruptions dahil sa senyales nito na may nagaganap na hydrothermal process sa ilalim ng ng bulkan.
Sa kabila nito, isinailalim pa rin sa Level 1 ang alert status ng bulkan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit at pagpasok sa ipinaiiral na 4-km. radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa banta nitong panganib sa publiko. - Rommel Tabbad