Muling magbabawas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell ngayong araw.

Sa anunsyo ng Shell, epektibo 6:00 ng umaga ng Agosto 9 ay magtatapyas ito ng 85 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene, 75 sentimos sa diesel at 10 sentimos sa gasoline.

Hindi nagpahuli ang Eastern Petroleum at Phoenix Petroleum na napagtupad din ng parehong bawas-presyo sa diesel at gasoline nito.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa bawas-presyo sa petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Tsika at Intriga

'Mga waste dapat pina-flush sa CR!' Toni Gonzaga, unbothered sa 'power couple' blind item

Ang bagong oil price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. - Bella Gamotea