RIO DE JANEIRO (AP) — Sa ikaapat na pagkakataon sa Olympics, siniguro ni Manu Ginobili na magiging espesyal ang paglalaro niya sa Argentina.

Kumana ng 12 puntos ang San Antonio Spurs star para gabayan ang Argentina sa 94-66 panalo kontra Nigeria sa men’s basketball event ng Rio Games.

Nanguna si Facundo Campazzo sa Argentina sa naiskor na 19 puntos, habang nag-ambag ang flag bearer na si Luis Scola ng 18 puntos para sa 2004 Olympic champion.

Nanguna sa Nigeria si Ike Diogu sa naiskor na 15 puntos.

Rep. Leviste, sa pagsasampa ng kasong libel: 'Hindi ko nais masaktan si Usec. Claire Castro!