IPINAGDIRIWANG ang National Day of Singapore tuwing Agosto 9 ng bawat taon para gunitain ang araw noong 1965 nang nakamit ng Singapore ang kalayaan nito mula sa Malaysia. Ginugunita ito sa pagtatalumpati ng Prime Minister ng Singapore, ng National Day Parade (NDP), at fireworks.

Sa ikalawa o ikatlong Linggo matapos ang National Day, nagsasagawa ng taunang talumpati para sa bansa ang prime minister ng Singapore, na tinatawag na National Day Rally (NDR).

Ang NDR ay taunang pagdiriwang at inaabangan ng mga Singaporean simula pa noong 1966. Ginagamit ito ng prime minister para talakayin ang mga pangunahing suliranin at mga susunod na hakbangin ng bansa. Maihahalintulad ito sa State of the Nation Address ng pangulo ng Pilipinas. Isinisimbolo ng NDP ng Singapore ngayong taon ang pagbabalik sa National Stadium matapos ang sampung taon.

Ang NDP 2016 ay may temang “Building our Singapore of Tomorrow.” Hangad ng tema “to galvanize and untie Singaporeans in the next chapter of nation-building.” Ito ay isang panawagan sa mga Singaporean para kumilos at sama-samang itaguyod ang kinabukasan. Tampok sa makabagong NDP 2016 ang indoor fireworks, 3D projection display, unmanned technologies tulad ng Drones at Dynamic Aerial Performances. Mayroon ding novel technologies. Patuloy na nagtatampok ang NDP ng mga parada at seremonya, military tattoo na may precision drill display, state flag fly-past, at fireworks.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Tinatamasa ng Pilipinas at Singapore ang mainit at mabuting ugnayan. Ang dalawang bansa ay nagkatrabaho sa iba’t ibang regional at multilateral na forum. Bilang dalawa sa mga pangunahing miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kamakailan ay ginunita ang ika-49 na anibersaryo ng pagkakatatag, may magandang relasyon ang Singapore at Pilipinas para isulong ang mga interes ng ASEAN.

Matibay ang ugnayang ekonomiya ng dalawang bansa at ang bilateral trade relations ay mailalarawan bilang malusog at malakas.

Mayroon silang matibay na samahan sa tulong ng Singapore Cooperation Programme. Pinapatibay ang relasyon ng dalawang bansa ng embahada ng Pilipinas sa Singapore at embahada ng Singapore sa Taguig City.

Binabati namin ang Mamamayan at Gobyerno ng Singapore, sa pangunguna nina President Tony Tan Keng Yam at Prime Minister Lee Hsien Loong, sa kanilang pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.