SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Sa kagustuhang makatulong sa administrasyong Duterte, ipagkakaloob ng isang opisyal ng Philippine Councilors League (PCL)-Nueva Ecija ang isang limang-ektaryang lupain sa Cabanatuan City para mapagtayuan ng drug rehabilitation and treatment center.

Sa panayam ng Balita kay Reynan Ponce Morales matapos manumpa bilang presidente ng PCL-NE, sinabi niyang balak niyang i-donate ang lima sa 12-ektaryang lupain niya sa Barangay Bakod Bayan sa Cabanatuan para mapagtayuan ng NE-Bespren Rehabilitation & Treatment Center.

Sa tulong ni Gov. Czarina “Cherry” Umali, inaasahang makatutulong ang pasilidad sa pagpapagamot ng hanggang 500 drug dependent sa probinsiya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!