MEXICO CITY (AP) – Unti-unti nang bumabangon ang mga bulubunduking komunidad sa dalawang estado sa Mexico mula sa mga mudslide nitong weekend na ikinamatay ng 39 katao sa kasagsagan ng malakas na ulan na dala ni Hurricane Earl.
Sa kabilang bahagi ng Mexico, naghahanda naman ang mga awtoridad sa banta ng bagong Tropical Storm Javier habang patungo ito sa dulong timog ng Baja California Peninsula. Tinataya ng mga forecaster na papasok ito sa lugar sa Martes ng umaga bilang isang hurricane.
May 28 katao ang namatay sa mga mudslide sa bulubunduking estado ng Puebla sa hilaga. Sinabi ni National Civil Protection Coordinator Luis Felipe Puente na 25 ang namatay sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Huauchinango at tatlo sa Tlaola.
Sa katabing estado ng Veracruz, 11 katao ang namatay sa mudslide sa mga bayan ng Coscomatepec, Tequila at Huayacocotla, ayon kay Gov. Javier Duarte.