CHICAGO (AFP) – Iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Kansas ang pagkamatay ng isang 10-anyos na lalaki sa binansagang world’s tallest water slide.

Si Caleb Schwab, anak ng isang state legislator sa Kansas, ay namatay noong Linggo sa Verruckt water slide ng Schlitterbahn Water Park sa Kansas City.

Sinabi ng Schlitterbahn na ito ang unang pagkakataon na may ganitong insidente sa parke. Hindi na ito nagbigay ng detalye sa pagkamatay ng bata.

Ang Verruckt, nangangahulugang “nakakabaliw” sa German, ay nagbukas noong Hulyo 2014 matapos ang mahigit isang buwang pagkaantala dahil sa mga problemang teknikal.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline