RIO DE JANEIRO (AP) — Sa Olympics, tunay na walang liyamado.

Venus Williams of the United States returns a ball to Belgium's Kirsten Flipkens in the women's tennis competition at the 2016 Summer Olympics in Rio de Janeiro, Brazil, Saturday, Aug. 6, 2016. (AP Photo/Vadim Ghirda)Natikman ni Venus Williams, dating No.1 world ranked player at major champion, ang mapait na katotohanan nang gapiin siya ni world No.62 Kirsten Flipken ng Belgium sa opening round ng women’s tennis singles competition sa Rio Olympics.

Naitarak ni Flipkens, nakaabot lamang sa semifinals ng Grand Slam event, ang 4-6, 6-3, 7-6 (5) panalo sa 32-anyos na si Williams, tangan ang apat na Olympic gold medal – isang singles at tatlong doubles kasangga ang nakababatang kapatid na si Serena.

Tangan ni Venus ang 21 Grand Slam titles – pito sa singles at 14 sa doubles kasama ang kapatid.

Si Venus ang kauna-unahang tennis player na naglaro ng singles event sa limang Olympics at ito ang unang pagkakataon na nasibak siya sa opening round. Nagkampeon siya noong 2000 Sydney Games at sa double event noong 2000, 2008 at 2012.

#BalitaExclusives: Tigil-giyera, panawagan ng mamamayan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Maaga ring nasibak ang No.4 seed na si Agnieszka Radwanska kay 64th-ranked Zheng Saisai ng China, 6-4, 7-5.