Wawalisin sa lahat ng pampublikong kalsada ang mga vendor, sasakyan at mga terminal, isang hakbang na lilinis sa kalye at magpapahusay sa daloy ng trapiko.

Ito ay kapag naisabatas na ang panukala ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers na nagsabing bilyong piso ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil lang sa traffic.

“These roads and sidewalks were not intended to be used as parking lots, PUV and tricycle terminals, leisure areas nor business spaces. If we clear these roads and sidewalks of all kinds of obstructions, vehicles can use the secondary and tertiary roads as alternate routes, thus declogging our major arteries of heavy traffic. If you will notice, using the Waze application, driving through these roads save you some precious time and it can be better if only they too are free from obstructions,” ayon kay Barbers.

Sa ilalim ng House Bill 2561 na isinampa ni Barbers, binigyang diin nito na ang public roads at sidewalks ay para lang sa mga umaandar na sasakyan at nagdadaang pedestrian.

Kapag malinis ang kalye sa mga illegal vendors, mga sasakyan at terminal, wala umanong magiging sagabal sa daloy ng trapiko. - Charissa M. Luci

Sen. Chiz, isinusulong na rin '4-day workweek' sa mga pribadong kompanya