QINGDAO, China (AP) – Sa unang pagkakataon ay bumisita ang isang barko ng U.S. Navy sa China simula nang magalit ang Beijing sa hatol ng isang arbitration panel na nagsasabing walang batayan ang malawakang pag-aangkin nito sa mga lugar sa South China Sea.
Dumaong ang guided missile destroyer na USS Benfold noong Lunes ng umaga sa Qingdao, ang home port ng northern fleet ng China.
Sa maikling pahayag sa media, sinabi ni Cmdr. Just L. Harts na layunin ng pagbisita na patatagin ang relasyon sa Chinese Navy at ipinasagot ang mga katanungan sa tensiyon sa South China Sea sa Pacific Command sa Hawaii.