PASUBSOB na tinangkang ma-saved ni Ejiya Laure ng University of Santo Tomas an bola mula sa service play ng San Beda College sa isang tagpo ng kanilang laro kamakailan sa Shakey’s V-League Collegiate League sa Philsports Arena.  RIO DELUVIO
PASUBSOB na tinangkang ma-saved ni Ejiya Laure ng University of Santo Tomas an bola mula sa service play ng San Beda College sa isang tagpo ng kanilang laro kamakailan sa Shakey’s V-League Collegiate League sa Philsports Arena.
RIO DELUVIO
Mga Laro Ngayon (Philsports Arena)

4 n.h. -- TIP vs NU

6 n.g. -- St.Benilde vs UP 

Masungkit ang ikalawang panalo para makasalo sa maagang pamumuno ang tatangkain ng University of the Philippines sa kanilang pagsabak ngayon sa Shakey’s V League Season 13 Collegiate Conference.

Mag-uunahan naman ang Technological Institute of the Philippines at National University na makamit ang solong liderato ng Group A sa kanilang pagtutuos sa unang laro ganap na 4:00 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig.

'Keep it up!' Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Magtatangka namang makatabla ng Lady Maroons sa University of Santo Tomas Tigresses sa pangingibabaw sa Group B sa pagtutuos sa College of St.Benilde Lady Blazers sa tampok na laro sa 6:00 ng gabi.

“Malakas ‘yung TIP, magagaling at beterano pa ang mga guest players nila,” pahayag ni NU coach Edjet Mabbayad. “Kailangan naming maging handa sa bawat sandali.”

Tinutukoy ni Mabbayad sina setter Chie Saet at Mylene Paat na nagsilbing lider sa unang panalo ng Lady Engineers na isang five-setter kontra Ateneo Lady Eagles.

Walang guest player sa kanilang line-up, sasandigan ng Lady Bulldogs ang mga beteranong hitters na sina Jorelle Singh, Jaja Santiago, Riza Sato  at Aiko Urdas, katuwang ang setter na si Justine Nabor.

Sa tampok na laban, bahagya namang pinapaboran ang Lady Maroons kontra Lady Blazers na wala pang naipapanalo sa kanilang unang dalawang laro.

Umaasa si coach Jerry Yee ng UP na magpapakita ng kanilang consistency lalo na sa kanilang depensa at atake ang kanyang mga manlalaro na pangunguna nina Diana Carlos, Nicole Tiamzon, Kathy Bersola at Isa Molde kontra  reigning NCAA champs CSB na sasandig naman kina Jeanette Panaga at mga guest players Janelle Cheng at Janine Navarro. - Marivic Awitan