RIO DE JANEIRO (AP) — Sa unang araw ng kompetisyon kung saan nabigo ang tatlong atletang Pinoy, napitas ng SEA Games rival Thailand, sa pamamagitan ni Sopita Tanasan ang unang ginto medalya sa Rio Games.

Nakopo ng Thai ang panalo sa women’s 48-kilogram category ng weightlifting ng kanyang maitala ang snatch sa bigat na 92 kilograms at mabuhat ang bigat na 108 kilograms sa clean and jerk para sa kabuuang bigat na 200 kilograms. Ito ang kauna-unahang Olympic stint ni Tanasan.

Sa kanyang unang pagtatangka, kaagad na nabuhat ni Tanasan ang bigat na 106kg. sa clean and jerk. Nagawa niyang buhatin ang bigat na 108kg. sa ikalawang pagtatangka, ngunit nabigi sa ikatlong buhat sa bigat na 110kg.

May dalawang pagkakataon si Sri Wahuni Agustiani ng Indonesia na maagaw ang panalo, subalit nabigo siya sa pagtatangka na mabuhat ang bigat na 115kg. para sa silver medal, habang bronze si Hiromi Miyake ng Japan.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!