RIO DE JANEIRO (AP) — Giniba ng Australians, sa pangunguna ng magkapatid na Bronte at Cate Campbell, ang American squad sa impresibong hataw tungo sa bagong world record sa 4x100-meter freestyle relay nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Rio Olympics.
Pinamunuan ang US team ni swimming champion Katie Ledecky.
Maagang nakuha ng US ang bentahe sa pamamagitan nina Simone Manuel at Abbey Weitzeil, ngunit naabutan nina Bronte at Cate ang karibal sa huling 200 meter.
Nalagpasan ni Bronte si Dana Vollmer bago tumalon si Cate para sa hauling 100 meter kontra kay Ledecky tungo sa tiyempong tatlong minuto at 30.65 segundo—lagpas sa dating marka na 3:30.98 na naitala ng Aussies may dalawang taon na ang nakalilipas.
Nakopo ng US ang silver sa American-record time na 3:31.89, ngunit nahila ang kanilang losing streak sa naturang event mula pa noong 1996 Atlanta Games.
Nakamit ng Canada ang bronze (3:32.89).