ANAO, Tarlac - Dahil sa matinding kahihiyan ng isang binatilyo sa kanyang lola na kinuwestiyon ang pagwi-withdraw niya ng P4,000 mula sa account nito, ipinasya na lamang niyang magbigti sa Barangay Carmen sa Anao, Tarlac.

Sinabi ni PO1 Cathrine Joy Miranda na gumamit ng nylon cord sa pagbibigti ang 17-anyos na nagpatiwakal.

Napag-alaman na kinumpronta ng 74-anyos na lola at ng 48-anyos na ama ang binatilyo sa pagwi-withdraw sa account ng matanda dahil ang biktima lang umano ang nakakaalam sa PIN number ng ATM card ng lola.

Pinabulaanan naman ng binatilyo ang akusasyon, bagamat dinamdam ito hanggang sa magbigti. - Leandro Alborote
Probinsya

Grupo ng mga estudyanteng nag-samgyup, nauwi sa disgrasya; butane stove, sumabog!