Isang opisyal ng Quezon City ang umano’y nagpositibo sa ilegal na droga sa isinagawang random drug testing sa hanay ng mga opisyales at konsehal sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, ang pagpapa-drug test sa mga opisyal ng QC ay batay sa memorandum ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at ito ay nakapailalim din sa city ordinance ng lungsod kaya’t lahat ng empleyado ng QC Hall ay dapat sumailalim sa drug test.

Aniya, ngayon nakatakdang isumite kay Mayor Bautista ang report hinggil sa mga nagpositibo sa drug test.

“’Pag naisumite na sa Alkalde ang report, siya na ang bahalang magsagawa ng aksiyon hinggil sa mga nag positive” saad ni Belmonte.

Si Belmonte ang chairman ng QC Anti Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC). - Jun Fabon

National

Patutsada ni Jack Argota kina Rep. De Lima, Fr. Flavie: 'Nagkakantunan ba kayong dalawa?'