TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Iginiit ng mga kaanak ni PO3 Philip Pantorilla na bigyang respeto ang kanilang mahal sa buhay, kasunod ng pagkakabanggit ng pangalan nito kahapon sa tinaguriang “narco list” ni Pangulong Duterte, gayung apat na taon nang patay ang dating operatiba ng Tacurong City Police.
Ayon sa mga kaanak ni Pantorilla, bagamat malaon nang usapin ang pagkakasangkot nito sa droga nakikiusap silang huwag na sanang ungkatin ang nakaraan at bigyang respeto na lang ang kanilang pamilya.
Anila, wala na ring pagkakataon para linisin pa ni Pantorilla ang pangalan nito, makaraang mamatay sa sakit sa kidney noong 2012. - Leo P. Diaz