SKOPJE, Macedonia (AP) – Nagdeklara ang gobyerno ng Macedonia ng state of emergency noong Linggo sa ilang lugar sa kabisera na tinamaan ng walang humpay na ulan at mga pagbaha na inikamatay ng 21 katao, anim ang nawawala at maraming iba pa ang nagtamo ng mga pinsala.

Inilarawan ni Mayor Koce Trajanovski ang pinsala na pinakamalalang nasaksihan ng Skopje. Sinabi niya na ang delubyo ay nagdala ng matinding ulan na nagpabaha sa mga lugar sa loob lamang ng 20 minuto. “It was like a water bomb has fallen!” aniya.

Internasyonal

Sundalong Fil-am, kabilang sa mga nasawi sa giyera ng Iran-US