BATANGAS CITY - Hindi nakaligtas sa kamay ng mga awtoridad ang isang senior citizen na naaktuhan umano sa pagbebenta ng droga sa Batangas City.

Arestado sa buy-bust operation si Danilo Hilario, alyas Danny Payat, 65, ng Barangay Sta. Clara, at ika-192 umano sa drug watchlist ng Batangas City Police.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), pasado 6:00 ng gabi nitong Sabado nang naaresto si Hilario sa operasyon ng grupo ni SPO2 Carlos Eje, at nakuha sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu at P200 marked money. - Lyka Manalo
Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!