Kasabay ng 99th birthday ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ililibing ito sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsabing malinaw ang pamantayan sa Libingan ng mga Bayani--- pwedeng ilibing ang mga naging presidente ng bansa, bukod pa sa mga sundalo.

“If Sen. Bongbong (Ferdinand Marcos Jr.) feels that it would be fitting day to celebrate his (Marcos Sr.) birthday at the Libingan ng mga Bayani, so be it,” ani Duterte, kung saan pwede itong maganap sa September 11.

Sa kasalukuyan, bahala pa rin ang mag-anak na Marcos kung kailan nila gustong ilibing ang kanilang ama na nakalagak sa Marcos Museum and Mausoleum sa Batac, Ilocos Norte, gayung may go signal na umano sila mula kay Pangulong Duterte.

“We are a divided nation. Out of 10, maybe nine nagsentimyento. Only one hates Marcos, but that is not the point. The point is, he is qualified or the family has that right to bury their father or husband because he was president of the Republic of the Philippines and he was a soldier at one time of his life,” ayon sa Pangulo.

National

'Speech' ng mga politiko tuwing bahagian ng ayuda, ekis na—PBBM

Maaari namang magprotesta ang hindi pabor sa hakbang, ayon sa Pangulo, ngunit kailangan umano tiyakin ng mga ito na hindi sila magdudulot ng mahigpit na trapiko. - Antonio L. Colina IV