Ni REGGEE BONOAN
UMAASANG makaka-score sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil ang Philippine Team na umalis noong Biyernes, Agosto 5 bilang kinatawan ng ating bansa.
Sina Yael Yuzon at Karylle Tatlonghari kasama ang bandang Spongecola at si Frank Magalona ang kumanta ng official song para sa 2016 Philippine Olympic Team.
Inilunsad last week ang awiting Sabay Tayo sa Kamuning Bakery Café sa may Scout Ybardolaza, Quezon City na pag-aari ni Wilson Flores at ikinuwento nina Yael at Karylle na excited sila para sa ating 13 atleta.
Napapanood ang 2016 Olympics sa TV5 na humiling ding gumawa ng kanta para sa mga atleta sa pamamagitan ng Melmac Sports.
Tatlong linggong binuo at natapos ni Yael ang Sabay Tayo.
“This song took us three weeks to write and record, medyo matagal din kasi sometimes I write a song like five minutes, sometimes a day or sometimes like 14 years,” sabi ng rakista.
“May kasamang workout,” salo ni Karylle, “para ‘yung mga patak ng pawis nanggaling sa workout na summer-mainit para kahit paano ay maramdaman din namin kahit paano ‘yung training siyempre mahirap ‘yun.”
“Parang you’re an actor or method actor na when you’re writing ang sports song, you wanna be doing sports,” hirit uli ni Yael. “Sana ma-feel nila na sa bawat category na gagawin nila ang lyrics ng kanta.”
Parehong mahilig sa sports sina Yael at Karylle.
“I’m into basketball, siya (Karylle), naglalaro rin siya after her gym,” saad ng bokalista ng Spongecola.
“It’s a bonding na rin with Yael, sometimes with my dad (Dr. Modesto Tatlonghari),” sabi naman ni Karylle.
Nag-aaway din ba silang mag-asawa at paano sila nagkakabati?
“Nag-set kami ng rule about that na if ever mayroon kaming argument and all that, puwede ka lang maging galit for two hours maximum. May joke kaming barkada na nagwo-work naman, like may kaaway ka na five years na kayong hindi nag-uusap, kung sa mag-asawa, prep na ‘yun na nagsusuot na ng uniform at may favorite color, favorite song, favorite book at nagsasalita na.
“So kapag ganu’n na katagal ang galit mo, that’s too long at kapag 10 years ka nang galit, grade three na ‘yun. ‘Yung galit mo, ganyan na kalaking bata, na nagsasabing, ‘hi, hello tito, hello tita.’ Kaya gawin mo lang two hours ‘yung galit mo para embryo pa lang siya. Kaya let it go. Because when you’re still mad after two hours, you’re wasting too much time, we’re only have like 65 years average life span,” magandang katwiran ng bokalista.
Sino ang unang sumusuko para matapos na ang dalawang oras na away?
“Parang kailangan lang i-point out na, ‘Uy, two hours na, okay.’ Kailangan mo lang naman i-release o i-drop ‘yung galit mo. Kung alam mong ikaw ‘yung tama, eh, di batiin mo ng ‘hi, hello’,” sabi ng hubby ni Karylle.
Hindi na nga matandaan ni Yael kung ano ang huling pinagdebatehan nilang mag-asawa.
“Usual couple stuff. Ano nga ba? Hindi ko maalala kasi after two hours dina-drop ko na at saka hindi kasi kami masyadong maaway na couple, eh,” katwiran ni Yael.
Dalawang taon na silang kasal at hindi pa nabibiyayaan ng anak.
“Yeah, napag-usapan namin ‘yung entirety, pero hindi namin napag-usapan na gawin na ngayon or what. Parang, we wanna make sure na everything is in check like in terms of scheduling like kunyari, if K (Karylle) has a child now, ‘pag lunch time, nasa akin ‘yun, ‘tapos ibibigay ko sa kanya ng mga hapon kasi ako naman ‘yung magwo-work sa gabi.
“So trafficking wise, medyo complicated siya, ‘tapos hindi naman kami in hurry to have a child and the same time kasi if ever naman na we don’t have a child, I don’t have a problem either and she doesn’t have a problem with that either kasi were this kind of over populated.
“And tuition is very expensive, so I don’t really mind. I’m not one of those people na kailangang magkaanak, eh. I mean, hindi ko rin ayaw ng children, ha, but just the idea na like tuition is expensive like in Ateneo, it’s just like buying a car and I’m pretty sure na if it’s a boy, pupunta ng Ateneo ‘yun kasi Ateneo ako, Ateneo dad ko, Ateneo mga tito ko, pinsan ko, kaya there’s no way not going to our school and it’s gonna happen, one big fight.
“Kaya okay lang naman sa akin kahit hindi, ayoko rin namang mag-settle for anything less. I mean, very practical ako, and okay naman kami kasi we’re enjoying talaga.”
Excuse me, Yael, Atenista rin po ang magandang wife mo. Nagtapos si Karylle ng BS Management Major in Communications Technology Management noong 2002 at dean’s lister pa. AB English Literature naman ang natapos ng Spongecola vocalist taong 2006.
Nakakatawa dahil kinuwenta pa ni Yael kung magkano ang magagastos sa biyahe kung sakaling may anak na sila ng asawa niya.
“Kasi magiging plus one thousand three hundred fifty two dollars ($1352) ang bawat isa, kasi ano rin, ‘pag travel mo, kakain din naman ‘yung baby,” nakangiting sabi niya.
At ang bansang hindi pa napupuntahan ni Yael...
“Maraming dream spot na hindi normally sinasabi ng mga tao, ako gusto ko lang talagang puntahan at dati ko pa itong pangarap kasi most of all, I fly for free (dating flight attendant ng PAL ang mommy niya), dati ko pang gustong pumunta sa Guam.
“Ang lapit-lapit lang, di ba? Kasi laging sinasabi sa akin, ‘Guam? After four hours, nakita mo na lahat.’ At kaya ko gustong makita kasi gusto kong ma-confirm na four hours talaga. At gusto ko ring makita na parang mayroon daw beach na Tumon Beach, may mga museum din at maraming mga mall. Parang gusto ko lang magpuntang Guam, kasi usually sa LA ako nagpupunta kasi lahat ng relatives ko nasa LA, so parang lagi na lang akong nasa LA and Vegas or San Francisco, never akong nagba-branch out. Kaya gusto kong magpuntang Guam at gusto ko ring magpuntang New York.
“Ayoko lang sa New York mag-drive kasi mahirap mag-park, unlike in LA, doon ako nagda-drive.”
Hindi rin puwedeng mawala nang matagal ang mag-asawa dahil, “Usually Sunday ako umaalis kasi lagi akong chance passenger ‘tapos balik ako ng Wednesday or Friday morning kasi may gig sa gabi, para wala akong nami-miss na gigs at hindi ko naha-hassle ang bandmates ko. So dumarating ako weekdays. Ang longest trip ko yata since 2009 ay two weeks, ‘yun na ‘yun. Isang state lang.”
Idinagdag din ni Yael gusto niyang mapuntahan ang Ireland at Croatia, lalo na ang huli dahil doon nagso-shoot ang Games of Thrones na pinapanood niya.
Pangarap naman ni Karylle na mapuntahan ang Batanes at biniro namin si Yael na samahan ang asawa, pero parang hindi niya bet dahil kinulit ang TV host ng, “Guam na lang.”
Gusto ni K pumunta ng Batanes dahil, “Hindi pa kasi ako nakakapunta ro’n kasi ‘yung Math teacher ko, naging pari at do’n siya sa Batanes.”