Ni NORA CALDERON

Judy AnnSINADYA ni Judy Ann Santos na hindi panoorin ang indie film niyang Kusina na isa sa mga entry sa Cinemalaya na nagsimula nitong nakaraang Biyernes. 

Hindi raw niya kasi alam ang gagawin kung sakaling hindi magustuhan ng press ang ginawa niya bilang si Juanita. Limang taon na siyang hindi gumagawa ng drama at nakatakot siya dahil ibang-iba ang istorya ng Kusina na idinirehe nina David R. Corpuz at Cenon Palomares na siya ring sumulat ng script na nanalo ng grand prize sa 56th Don Carlos Palanca Memorial Awards noong 2006. Kaya after ten years lang ito naisalin sa pelikula.

Magkakaroon ng gala night ang Kusina bukas, 6:15 ng gabi, sa CCP Main Theater na tiyak na dadaluhan ng mga kapwa artista ni Judy Ann.

Ang masasabi lamang namin, gusto naming manalo ng Best Actress award si Juday, dahil sa mahusay niyang performance, na sabi nga ng mga katoto, hindi pa rin nagbabago ang pag-arte niya.

ALAMIN: 30 payout sites ng ₱5k fuel subsidy para sa NCR-based tricycle drivers

After the interview tungkol sa Kusina, natanong si Judy Ann tungkol sa bashing kay Maine Mendoza. Very close kasi si Juday kay Alden Richards na kasama ng asawang niyang si Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga at madalas ding kumakain ng breakfast sa kanila at nakaka-join nilang mag-work-out sa bahay nila.  

Kilalang diretsong magsalita si Juday kaya nahingan siya ng comment tungkol sa blog ni Maine na “That’s How It Works.”

“Hindi ko pa nami-meet nang personal si Maine, pero gusto ko siya at alam kong naba-bash siya dahil prangka rin siyang magsalita, as per sa blog na sinusulat niya,” sagot ni Juday. “Sa akin, kung iyon ang nagustuhan ng mga fans sa kanya, huwag siyang baguhin, tao lamaang siya, hindi manika na binuo sa factory at p’wedeng baguhin anytime they want. Ang mga fans na nagsasabing mahal nila si Maine, as supporters, they have to understand where she’s coming from. Huwag natin siyang angkinin, huwag ninyo siyang i-deprive mga bagay na dati niyang ginagawa, baguhan lang siya at hindi siya nangsimula sa showbiz. Kung bashers naman sila, payo ko lang kay Maine, bashers will always be bashers.”

“Iyong sinabi ni Maine na maraming hindi totoong tao sa showbiz, o iyong mga plastic, oo naman, hindi ito showbiz kung walang plastic, nasa iyo kung paano mo hihimayin ang mga plastic sa mga totoo.

“Kung minsan, akala mo ang katabi mo, totoo na sa iyo, pero magugulat ka, ‘yun pala ang pinaka-plastic sa ‘yo. Kaya ang maipapayo ko lang kay Maine, she needs to brace herself for more roller-coaster rides, this is how show business works.”

Naging very supportive din ng mag-asawang Ryan at Juday sa Imagine You and Me na first solo movie together nina Alden at Maine, kaua baka suportahan din ng magka-love team ang gala night ng Kusina, at mas maganda kung susuportahan din si Juday ng AlDub Nation dahil napanood na namin ang movie, at tiyak na hahangaan ang acting ni Juday.  

Kailangan lamang i-check ang date and time ng screening simula Agosto 6 hanggang Agosto 14, dahil may screenings na soldout na ang tickets. 

Congratulations sa Kusina at sa producers na Sirena, Cinematografica at Noel Ferrer Productions.