Jimuel Pacquiao
Jimuel Pacquiao
KADALASANG nagsisimula ang pag-aartista sa pagmomodel-model. Sa isang modelling event namataan si Jimuel Pacquiao, ang guwapitong anak nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee. Lahat ng physical attributes ng ina ay naisalin kay Jimuel at ang kakulangan sa height ay courtesy ng kanyang daddy.  

Inamin niya ang dalawang bagay: crush niya siJulia Barretto at hindi pa siya handang sumabak sa pag-aartista. Pag-aaral daw muna ang kanyang aasikasuhin. 

Well, we heard this line before at tingnan natin kung paninidigan ito ni Jimuel.

Sa totoo lang, hindi kailangang mag-artista ni Jimuel upang kumita dahil anak lang naman siya ng isang pinakamayamang sports celebrity sa buong mundo. Kaya lang, iba ang gayumang dulot ng katanyagan.

Ang idolohin ka ng milyun-milyong Pilipino ay katakam-takam at mahirap pahindian. 

Lifehacks

ALAMIN: Tips para makatipid sa gasolina ayon sa DOE

Alam ito ng kanyang pamosong ama kaya pinasok na rin ang pulitika.

Mabilis kumilos ang Kapamilya Network once na may naamuyan silang potential hearthrob tulad ni Jimuel. Baka magulat na lang tayo. —Remy Umerez