Ni REMY UMEREZ

NAWIWILI kaming panoorin ang Magandang Buhay dahil bukas ang guest celebrities sa pagbabahagi ng ilang personal na bagay sa kanilang pribadong buhay. Secondary na lamang ang pagpa-plug nila ng shows o projects nila.

Sa guesting na lang halimbawa kamakailan ni Dennis Padilla ay pinahanga niya kami sa kanyang malumanay na pamamaraan sa pagsagot sa isyu hinggil sa kanyang anak na si Julia Barretto. 

Up to now ay may gap pa rin ang mag-ama at ayon kay Dennis, ang nakikita niyang solusyon dito ay ang panatilihing open ang kanilang communication. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Bilang ama ay napakasakit para sa akin ang mapawalay sa aking anak. Wala akong hinanakit kanino man. Ang sa akin lang, itigil ang mali at ituloy ang tama,” pahayag ni Dennis.

Walo ang anak ni Dennis from different women na pawang mga guwapo at magaganda. Artistahin, ‘ika nga, dahil mestisa ang mga nakarelasyon niya. 

Kung mayroon man silang namana kay Dennis, ang biruan pa, ito ay ang kanyang sense of humor.

Matapos i-plug ang kanyang guest appearance sa Ang Probinsyano, ipinamalas ni Dennis ang kanyang galing sa pagluluto. Isa itong simpleng putahe na bukod sa madaling lutuin ay hindi mahal ang mga sangkap tulad ng ilang gulay at tilapia.