Welcome sa bansa ang mga foreign at local investors para magnegosyo, ngunit hindi na makakaapak ang mga ito sa Malacañang.

Ito ay matapos na tanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na makipagkita sa kanya sa Palasyo.

Magugunitang sa mga nakaraang administrasyon, kadalasan ay nagko-courtesy call sa Palasyo ang mga negosyante, lalo na kung galing sa labas ng bansa ang mga ito.

“I’m sorry. To companies from Europe and others that want to go to Malacañang, no no no. You want to talk about what?” ani Pangulong Duterte sa Davao City.

“I told (Special Assistant Christopher) Bong (Go) that they should go directly to the Cabinet. I don’t want to talk to businessmen even if just to inform me that they are here. There is no need for me to know. You just do it correctly,” dagdag pa nito.

Probinsya

Lolo, arestado matapos manggahasa ng 2 menor de edad na apo

Ang Pangulo na nagmistulang allergic na sa mga negosyante, ay magugunitang nagdeklara ng giyera sa mga ‘oligarch’ o mayayamang negosyante na nakakapit sa kapangyarihan ng gobyerno. - Genalyn Kabiling