Ni FRANCIS T. WAKEFIELD
Dahil sa pagdami ng mga drug user at pusher na boluntaryong sumusuko sa mga awtoridad sa buong bansa ay nalulugi na ngayon ang mga sindikato ng drug trafficking ng tinatayang P8.22 billion, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.
“Based on the result of intensified anti-drugs efforts of the government, initial gains have taken effect , in particular, the reduction of significant amount of methamphetamine hydrochloride , or shabu, in the streets” sabi ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña.
Ayon kay Lapeña, mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hulyo 29, 2016, may kabuuang 531, 621 drug personalities (503,422 users at 28,199 pusher) ang boluntaryong sumuko sa buong bansa.
“Based on the consumption estimate per intake of a drug dependent, if the indicated numbers of surrenderees will stop using illegal drugs for the next six months, it means a reduction of 1,645 kilograms of shabu in the market. This can be translated to P8.22 billion loss in the income of drug syndicates,” sabi pa ni Lapeña.
Batay sa comparative crime data ng Philippine National Police (PNP) sa National Capital Region (NCR), Region 7 at Region 11, tatlo sa pinakamauunlad na rehiyon sa bansa, naging kapansin-pansin ang pagbaba ng krimen sa apat na tinutukang krimen gaya ng physical injury, robbery, theft, at carnapping, ng 38 porsiyento mula sa 75 porsiyento kumpara sa parehong panahon noong 2015.
7 BAGONG MAPANGANIB NA DROGA
Samantala, nagbabala ang PDEA sa publiko sa pagpasok ng pitong karagdagang substances sa listahan ng mga mapanganib na droga batay sa rekomendasyon ng Commission on Narcotic Drugs (CND) ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC).
Ang mga ito ay ang sumusunod:
1.ACETYLFENTANYL – isang malakas na pain killer na limang beses na mas malakas kaysa heroin. Ikinukubli ito sa tawag na oxycodone. Kabilang sa mga palatandaan ng overdose nito ay pagmumukhang pagod, pagkalito, mahinang paghinga, mahinang pintig ng puso at mababang blood pressure.
2. MT-4 – isang piperazine derivative na may malakas na analgesic activity o pantagal ng kirot kumpara sa morphine.
3. PARA-METHOXYMETHYLAMPHETAMINE (PPMA) – isang stimulant at psychedelic recreations drug na maaaring gamitin kapalit ng ecstasy. Ito ay may hallucinogenic effect at maaaring magdulot ng nakamamamatay na pagtaas ng temperatura.
4. Alpha-PYRROLIDINOVALEROPHENONE (a-PVP) – isang psychomotor stimulant na maaaring magdulot ng cardiotoxicity, bayolenteng pag-uugali at pagkabaliw.
5. Para-METHYLAMINOREX (4,4’-DMAR) — ay isang synthetic designer drug na katulad ng 4-methylaminorex at pemoline. Ito ay bago at posibleng nakamamatay na designer drug.
6. METHOXERAMINE (MXE) – isang bagong recreational drug, katulad ng ketamine na may malakas na hallucinogenic properties.
7. PHENAZEPAM -- isang benzodiazepine na may anxiolytic, euphoric, anti- convulsant, amnestic, muscle relaxant, at hypnotic (nakakaantok) na apekto.