Posibleng magiging bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan kahapon sa bahagi ng Batanes.
Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang nasabing LPA sa layong 465 kilometro sa Hilagang Silangan ng Basco, Batanes. Kapag naging naging ganap na bagyo, tatawagin itong “Dindo”.
Maaapektuhan naman ng southwest monsoon ang kanlurang bahagi ng bansa.
Makararanas ng pag-ulan at pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, MIMAROPA at CALABARZON areas, Western Visayas, Mindanao at ilang lugar sa Ilocos, Cordillera, Cagayan at mga lalawigan ng Zambales at Bataan. - Rommel P. Tabbad