SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Dalawang umano’y tulak ng droga ang naaresto ng mga operatiba ng San Jose City Police sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod na ito.

Kinilala ni Supt. Reynaldo Dela Cruz, OIC ng San Jose City Police, ang mga naaresto na sina Mario Agaton y Gragasin, 60, may asawa, ng Barangay Sto. Niño 2nd; at Alfredo Dela Cruz III y Aguinaldo, 20, ng Abar 1st, Zone 10, matapos kapwa makumpiskahan umano ng ilang heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Dinampot ang dalawa sa bisa ng arrest warrant sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). - Light A. Nolasco
Probinsya

Delivery rider, tinodas at pinagnakawan!