Ni ADOR SALUTA

CASY CARMINA ZOREN AT MAVYNASA wastong gulang na rin ang kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel para mag-decide on their own kung susundan ang yapak ng kanilang mga magulang na nakagisnan na nilang nasa showbiz.

Kaya nang minsang makausap ng ilang reporters ang mag-asawa, agad itinanong sa kanila kung papayagan din ba nilang mag-artista sina Mavy at Casy.

Sagot ni Zoren, walang probema sa kanya kung gusto ring mag-artista ang kambal nila. Pero dapat aniyang matutong pumili ang mga ito ng programa na dapat nilang salihan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ako, ever since naman I’m open to the fact na ‘yung opportunity, when it comes to showbiz opportunities, nandiyan ‘yan, eh, kasi nandito kami. It’s just that kailangan lang pili ‘yung mga dapat nilang pasukin.

“Kasi nagkakaroon ng offer sila ng soap, ang soap po kasi hindi po biro. It’s really, really hard to do, nakakapagod talaga, nakaka-drain mentally, nakaka-drain physically, emotionally. Kahit masipag ka mag-aral tatamarin ka mag-aral dahil hindi ka tamad, dahil pagod ka na masyado, so ako open kami. I always say open ako basta mga sitcom lang muna, once a week ‘yung taping, that would be fine,” paliwanag ni Zoren.

Worried si Zoren na baka mahirapan ang kanyang mga anak sa soap.

“Pero ‘yung mga mahihirap na kagaya ng soap hindi muna. At the same time hindi pa sila trained. Alam mo naman kapag soap kailangan ano ka na diyan, eh, ‘yung performance mo diyan kailangan you can really perform already. It’s not a training ground, so kailangan marunong ka na talaga.”

Katwiran naman ni Carmina, dapat munang magtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.

“Ngayon once in a while they join ASAP, nag-guest sila do’n, so ‘yun, they are very happy naman na nakakasayaw sila. Hayun, ‘tapos ‘yung endorsement siguro. Sa ngayon nag-aaral sila, do’n na lang muna,” malinaw na pahayag ni Carmina.