Pita Nikolas Aufatofua carries the flag of Tonga during the opening ceremony for the 2016 Summer Olympics in Rio de Janeiro, Brazil, Friday, Aug. 5, 2016. (AP Photo/Matt Slocum)

RIO DE JANEIRO (AP) – Hindi man tanyag sa mundo ng sports, gumawa ng kasaysayan si Pita Taufatofua ng Tonga.

Matapos masilayan ng mundo ang walang pangitaas na taekwondo jin bilang flag-bearer ng delegasyon ng Tonga, simbilis ng kidlat ang pagbaha ng mensahe bilang paghanga sa maskuladong atleta.

Ilang oras, matapos maipalabas ang opening parade of the athletes ng Rio Olympics, sa pamamagitan ng NBC sa US, umabot sa 45 milyon ang pagkakabangit ng pangalan ni Pita sa social network Twitter.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Walang nakakakila kay Pita, ngunit sa kasalukuyan, talo pa niya ang Hollwood celebrity sa pagbaha ng mensahe sa kanya sa Twitter.

Ang #Tonga, ang nangunang trending topic, hanggang sa kasalukuyan.

Ilan sa mga mensahe ang #Tonga just became the number one tourist destination of 2016.

“Where is #Tonga and how do I get there #OpeningCeremony,” mensahe ng isang Twiiter fan.