BELO HORIZONTE, Brazil (AP) — Sasabak ang US women’s football team kontra France sa group stage sa makasaysayang ika-200 international tournament ni Hope Solo.
Bunsod nito, ang 31-anyos na American ang nagtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang goalkeeper sa kasaysayan na nakapaglaro ng 200 match sa international play.
Siya rin ang ika-11 US player na nakagawa ng naturang achievement para sa ibat-ibang parisyon Kamakailan, tinanghal si Solo bilang kauna-unahang goalkeeper na nakagawa ng 100 international shutout ng gapiin ng United States ang South Africa, 1-0, sa Chicago’s Soldier Field. Iyon ang ika-150 career win ng dating ‘Dancing with the Stars’ contestant.