CEBU CITY - “By December you have doubled your salaries. This August umpisa na. Tingnan ninyo ang inyong pay slip, nandyan na ‘yan,” Ito ang siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kawal ng pamahalaan sa kanyang talumpati sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Central Command sa Cebu City noong Biyernes ng gabi.

Kasabay ng salary increase ay ang hamon ng Pangulo sa mga sundalo na paigtingin pa ang kampanya laban sa terorismo na umano’y poproblemahin ng bansa sa loob ng lima hanggang sampung taon.

Ipinag-utos din ng Pangulo na pulbusin na ang Abu Sayyaf group na kumikilos sa Mindanao. “There will never be any peace negotiation. You have to destroy them. That is the order. Destroy them,” ani Duterte.

“There will be a time na sasabihin ko ‘pasukin ‘nyo na yan. Tapusin na ninyo to the last man para wala na tayong problema,” dagdag pa nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala upang mapalakas pa ang pwersa ng pamahalaan laban sa terorismo, plano umano ng Pangulo na magdagdag pa ng hanggang 10,000 sundalo at 5,000 pulis. Binanggit din nito ang pagbili ng mga bala at mga gamit pandigma.

“Do not be afraid of tomorrow. By next year, libre na edukasyon from kinder to high school,” pahabol na pangako ng Pangulo sa mga sundalo, kung saan bibigyan umano ng scholarship ang kanilang mga anak. - Mars W. Mosqueda Jr.