Agosto 7, 2005 nang mailigtas ang pitong Russian personnel matapos mahango ang sinasakyan nilang mini-submarine na Russian Priz AS-28, makalipas ang ilang beses na pagsubok. Naranasan nila ang kakulangan sa supply ng oxygen. Ang mga lalaki, mas mababa sa 6°C ang temperatura, ay nasa satisfactory condition at sinuri ng medical team.
Bago ang pagsagip, nakasuot ng thermal suits ang mga lalaki, at limitado lamang ang kanilang paggalaw upang magkaroon ng sapat na hangin.
Tumulong din sa pagsagip ang isang robot mula sa United Kingdon, dahil sa kakulangan sa kakayahan ng Russian Navy.
Tatlong araw bago mangyari ang insidente, sumabit ang mini-submarine sa Pacific Ocean, na patungo sana sa Kamchatka Peninsula sa Russia.
Base sa inisyal na ulat, sumabit ang malalaking lambat sa barko.