Ni Leslie Ann G. Aquino
Manu-mano lang ang sistemang gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na idaraos sa October 31, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
“We will be voting manually on October 31st,” ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez.
“There might be a common perception that the Barangay and SK elections will also be automated since the 2016 National and Local automated elections have just been concluded,” ani Jimenez na nagsabing gagamit ng balota ang mga botante, kung saan isusulat nila ang kanilang mga ibobotong kandidato para sa barangay at SK.
Sa August 21, uumpisahan na ng Comelec ang pag-iimprenta ng 85 milyong balota. Aabot sa 62 milyon ang para sa barangay polls, samantala 23 milyon naman para sa SK elections.
Noong nakaraang linggo ay magugunitang inaprubahan na ng Comelec ang P297 milyong badyet para sa printing ng mga balota.