ANG Republika ng Cote d’Ivoire, na mas kilala bilang Ivory Coast, ay matatagpuan sa Wes Africa. Ipinagdiriwang nito ang Araw ng Kalayaan tuwing Agosto 7 ng bawat taons, ginugunita ang araw noong 1960 nang makamit nito ang kalayaan mula sa pamamahala ng France.
Nagdaraos ng mga aktibidad na pangkultura at nagkakaroon ng mga kasiyahan. Maramihan din ang pagsisilbi ng Bangui, isang local palm wine, at ng aloko, ang hinog na saging na ipiniprito sa palm oil. Nagdaraos ng mga parada ang militar at nagpuprusisyon din sa kabiserang lungsod na Yamoussoukro.
Ang mga karatig bansa ng Cote d’Ivoire ay ang Guinea at Liberia sa kanluran, Burkina Faso at Mali sa hilaga, at Ghana sa silangan. Matatagpuan ang Gulf of Guinea (Atlantic Ocean) sa timog bahagi ng Cote d’Ivoire. Kung ang kabisera nito ay ang Yamoussoukro, ang sentro ng ekonomiya at pinakamalaking daungang siyudad ay ang Abidjan.
Malaki ang ginampanan ng musika para hubugin ang pambansang pagkakakilanlan. Noong 70s at 80s, ang bansa ay nagkaroon ng “one of the west Africa’s strongest recording industries” na umakit sa mga musikero, partikular sa noon ay kilalang Zaire. Pumasok sa eksena ang Alpha Blondy noong 80s, at ginawa nitong reggae country ang Cote d’Ivoire, isang tradisyon na ipinagpapatuloy ni Tiken Jah Fakoly hanggang ngayon. Bagamat may mga komentaryo na “no other music points to Cote d’Ivoire’s national identity in the world today more than Coupe-Decale, a type of popular dance music originating from Cote d’Ivoire and the Ivorian diaspora in Paris, France… a very percussive style featuring African samples, deep bass, and repetitive minimalist arrangements.”
Pinangalanan ng mga travel blog ang ilan sa mga pangunahing lugar na makikita sa Cote d’Ivoire. Kabilang dito ang National Museum sa Abidjan na “contains a fascinating collection of artifacts that tell the country’s history from the Stone Age to the present,” ang Cathedral ng St. Paul sa Abidjan, isang modernong simbahan na kilala sa detalyadong stained glass windows na inilalarawan ang mga eksena sa buhay ng mga apostol; ang Basilica ng Our Lady Of Peace sa Yamoussoukro, isang simbahang Romano Katoliko “which claims to be the largest church in the world, large enough to seat 7,000 people with standing room for an additional 11,000”; at ang Comoe National Park sa hilagang-silangan ng Cote d’Ivoire, isang 7,000-swaure mile na parke na tinaguriang isa sa pinakamalaki sa West Africa. Ang Comoe National Park ay UNESCO World Heritage designation dahil sa malinaw na rain forest nito at sari-saring halaman at mga hayop.
Naitatag ang diplomasyang ugnayan ng Pilipinas at Cote d’Ivoire noong Agosto 7, 1960. Mayroong konsulado ang Republika ng Cote d’Ivoire sa lungsod ng Makati, habang nasa Abidjan naman ang konsulado ng Pilipinas.
Binabati namin ang mga Mamamayan at Gobyerno ng Republic of Cote d’Ivoire, sa pangunguna ni President Alassane Ouattara, sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.