Sa layuning maging mabisa at mapababa ang kasanayan sa “endo” o end of contract, inatasan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang lahat ng director nito sa buong bansa na mas maging masigasig sa kanilang pagtutok upang maabot ang 50 porsiyentong pagbaba sa 2016 at tuluyang mawala sa 2017.

“Ang commitment natin kay President (Rodrigo) Duterte ay i-reduce ang “endo” o “555” by 50 % in six months. And by 2017, it should be a thing of the past. Ito ang objective natin. You have to be proactive and take the necessary initiatives if we want to accomplish our task,” pahayag ni Bello sa ginanap na Consultation Workshop on Ending “Endo” ng DOLE.

Sa ginanap na konsultasyon, ang mga Regional Directors (RD) ng DOLE ay gumawa ng Regional Action Plan na matiyak ang epektibong implementasyon at pagpapatupad ng mga karapatan sa security of tenure ng mga manggagawa.

Ang DOLE Regional Action Plan sa Ending “Endo” ay naglalayong mapabuti ang pagpapatupad na rate sa pagsunod ng kautusan; ang pagtaas ng bilang ng mga manggagawa na mare-regular; at pagtataas ng bilang ng mga manggagawa sa ilalim ng mga lehitimong kontratang kasunduan. - Mina Navarro

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'