NEW YORK (AP) – Nagpakita ng magandang senyales ang tatlong sinusubukang bakuna para sa Zika, kung saan naprotektahan ang mga unggoy laban sa impeksyon ng virus, at ngayon ay ibinabaling na ang pag-aaral kung maaaring gamitin ang mga bakuna sa tao.

Sangkot sa eksperimento ang isang tradisyunal na bakuna at dalawang makabagong pamamaraan. Inaasahan na isasalang sa preliminary human studies ang tradisyunal na bakuna ngayong taon. Dalawa pang experimental Zika vaccines ang nasa human studies na.

Iniulat ng mga mananaliksik na nagtagumpay ang mga pag-aaral sa unggoy sa ilang dokumento na inilabas sa journal na Science nitong Huwebes. Ang tradisyunal na bakuna ay gumamit ng patay na virus, habang ang dalawang iba pa ay gumamit ng isang gene ng Zika virus upang palakasin ang immune system ng mga unggoy para labanan ang mga ito.

Nagsimula ang mga pagsisikap na maka-develop ng bakuna kasunod ng Zika outbreak sa Brazil noong nakaraang taon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture