Isinusulong ni Paranaque City Rep. Eric Olivarez na gawing 23 anyos ang age bracket ng mga dependent ng nagbabayad ng buwis o taxpayer dahil sa pag-iral ng K to 12 curriculum, na nagdagdag ng dalawang taon sa pag-aaral.

Sinabi niya na ang isang tao na apektado ng K to 12 Law ay inaasahang makatatapos ng kurso sa edad na 23, sa halip na 21 taong gulang lamang.

Dahil dito, sinabi ni Olivarez na kailangang magsumikap at magtrabaho ng husto ang padre de pamilya o income earners upang masustinihan ang edukasyon ng kanyang mga anak dahil sa dagdag na dalawang taon sa K to 12 curriculum.

“Because of this, it is only proper to amend the sections of the National Internal Revenue Code (NIRC) which provide for the age limitation of household members who may qualify as dependents for purposes of availing tax exemptions, if only to avoid defeating the purpose and wisdom of the above-cited specific provision of the NIRC,” ayon sa kongresista.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang House Bill 183 ay may titulong “An Act Increasing the Age Bracket of Taxpayers’ Dependents.” -Bert de Guzman