Agosto 6, 1997 nang mamatay ang 228 katao matapos dumausdos ang eroplanong Korean Air Boeing 747 sa isang gubat sa Guam. Ang Flight 801, mula Seoul, South Korea, ay may 254 na pasahero at 23 crew member.

Bumiyahe ang eroplano na mababa ang visibility, hindi maganda ang lagay ng panahon, makulimlim, dahilan upang umasa na lamang ito sa mga kagamitan para lang makalapag sa Agana International Airport sa Guam.

Ayon sa mga saksi, bumulusok ang eroplano sa gubat dahilan upang ito’y umapoy at umusok. Kinailangang gumamit ng flashlight ang mga rescuer upang matunton ang eroplano. Karamihan sa mga nakaligtas ay nagtamo ng second o third-degree burns.

Ayon sa mga National Transportation Safety Board investigator ng United States, walang problema sa makina at kondisyon ng eroplano bago mangyari ang insidente. Itananggi naman ng Korean Air na ang piloto ang may kasalanan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!