TARLAC CITY - Tumanggap ang 87 grupo ng magsasaka sa Pampanga ng P16.6-milyon halaga ng mga kagamitang pansaka mula sa pamahalaang panlalawigan.

Kabilang sa mga ipinamahagi ang 49 na shallow tube well, 12 hand tractor na may trailer, pitong mini-four wheel drive tractor, anim na panggapas ng palay, anim na rice thresher, apat na patubig, apat na rice transplanter, at isang combine harvester.

Ayon kay Sangguniang Panlalawigan Agriculture Committee Chairman Jun Canlas, layunin nitong madagdagan ang kita ng mga magsasaka. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito