Nagtumpok ng career-high 17 puntos si rookie Reymar Caduyac, kabilang ang anim sa huling walong puntos sa krusyal na sandali para gabayan ang Lyceum of the Philippines sa matikas na 75-72 upset win kontra defending champion Letran kahapon sa NCAA Season 92 men’ s basketball tournament, sa San Juan Arena.

Mula sa pinakamalaking 13 puntos na bentahe, nalagay sa alanganin ang Pirates ang maghabol ang Knights, tampok ang walong sunod na puntos ni Rey Nambatac para maidikit ang iskor sa 72-73, may 12.9 segundo ang nalalabi.

Nakuha ng Pirates ang 75-72 bentahe mula sa dalawang free throw ni Caduyac.

May tsansa pa sanang makatabla ang Knights, ngunit hindi na nabilang ang three-pointer ni Nambatac sa buzzer.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Tumatakbo sa utak ko yung pinagpaguran namin sa practice na tumatakbo pa kami bago mag freethrow,” pahayag ng 19- anyos na pambato ng Bukidnon.

Hataw din si Mike Nzeussue sa Lyceum sa natipang 17 puntos, habang nag-ambag si Jasper Ayaay ng 12 puntos para sa ikaapat na panalo sa siyam na laro ng Pirates. (Marivic Awitan)