IPINAGDIRIWANG ngayon ang Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ni Hesus. Inilalahad sa mga ebanghelyo nina Mateo, Marcos at Lucas ang mahalagang pangyayaring ito sa buhay ni Hesus na nangyari ilang araw makaraang ideklara ni Pedro ang kanyang pananampalataya kay Hesus—“Ikaw ang Messiah!” na kalaunan ay sinundan ng unang pagbanggit ni Hesus tungkol sa sarili niyang pagsasakripisyo at kamatayan.

Ang paglalarawan ng ebanghelyo sa Pagbabagong-anyo ay may pagkakatulad sa mga eksena sa Bagong Tipan tungkol sa pakikipag-usap ng Diyos kay Moises sa Bundok Sinai at kay Elijah sa Bundok Carmel. Ang Pagbabagong-anyo ay isang sandali ng paghaharap—ang pakikipag-usap ng Diyos sa kanyang mga nilalang. Ang pag-unawa ng mga apostoles ni Hesus na sina Pedro, Santiago at Juan sa kabanalan ng Maylikha sa kanila ay naging matindi at sapat upang magimbal ang kanilang mga puso ngunit kalaunan ay napahanga sila sa mga kaganapan. Natural lang na binigyang babala sila ni Hesus na magiging magkaugnay ang pagdurusa at kaluwalhatian nito.

Dalawang bagay ang itinuturo sa atin ng Pagbabagong-anyo ni Hesus. Una, dahil sinasabihan ng Diyos Ama ang mga disipulo na laging making kay Hesus, dapat na ganoon din tayo. Dapat na lagi nating pagsikapang makadaupang-palad ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus at makadama ng kasiyahan sa kanyang presensiya. Minsang sinabi ni Pope Francis: “We all need to go apart, to ascend the mountain in a space of silence, to find ourselves and better perceived the voice of the Lord. This we do in prayer.” Sa pamamagitan ng pananalangin ay mapakikinggan at tatalima tayo sa kanya, at isasabuhay ang mensahe ng kanyang ebanghelyo.

Gayunman, sinabi ng Santo Papa na may kaakibat na tungkulin ang pananalangin: Ang pakikipag-usap sa Diyos sa pagdarasal ay nagsisilbing inspirasyon sa atin upang “bumaba sa bundok” at magbalik sa kapatagan upang makahalubilo ang maraming nating kapatid na alipin ng matinding pagod, pagkakasakit, kawalang hustisya, pagiging ignorante, at kahirapan sa materyal na bagay at sa ispirituwal. Sa ating pananalangin, binibigyan tayo ng pagkakataong isabuhay ito sa pamamagitan ng mabubuting gawain na nagpapakita ng pagmamahal at awa. Ikalawa, pinaaalalahanan tayo sa ipinagdiriwang natin ngayon tungkol sa kaugnayan ng pagdurusa at kaluwalhatian. Ito ang kahulugan ng Paschal Mystery—tunay na kaluwalhatian para sa mga handang dumanas sa matinding pagdurusa. Ipinakita sa atin ni Hesuskristo ang daan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang pagdurusa niya sa krus ang nagbigay-daan sa maligayang selebrasyon ng Pagkabuhay.

Sa ating pagdiriwang ngayon ng Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ng Panginoon sa Bundok Tabor, paglimian natin ang misteryong ito nang may pusong puno ng pag-asa—pag-asa na isang araw ay makikibahagi tayo sa kaluwalhatian ni Kristo.

Isa rin itong paalala na lagi nating hangarin ang pakikipag-usap kay Kristo sa pamamagitan ng pagdarasal at mga sakramento—ang mga paraang ipinagkakaloob ng Simbahan sa lahat ng Kristiyano upang lubusang maramdaman ang mapagligtas na pag-ibig ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagmamahal sa ating kapwa.