KALIBO, Aklan – Hinihiling ng grupo ng mga magsasaka sa Kalibo Airport kay Pangulong Duterte na paimbestigahan ang pinaplanong pagpapalawak sa Kalibo International Airport.

Ayon kay Arnel Meren, leader ng mga magsasaka, matagal nang plano ng Department of Transportation and Communication (DoTC) na palawakin ang operasyon ng paliparan.

Ayon kay Meren, bagaman hindi nila tinututulan ang proyekto, nais nilang paimbestigahan ng Presidente kung bakit mababa ang ibabayad sa mga maaapektuhang magsasaka, bukod pa sa wala umanong relocation site para sa mga apektadong residente.

Aniya, aabot sa 154 na magsasaka ang maaapektuhan ng proyekto, na batay sa liham ng DoTC, ay babayaran ng ng P200 per square meters.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa petisyon nila sa Kalibo Regional Trial Court, iginiit ng mga magsasaka na mabayaran sila ng P5,000 per square meters, kasabay ng relocation site at alternatibong kabuhayan para sa mga apektado. (Jun N. Aguirre)