Kinuwestiyon ng pari mula sa simbahang Katoliko si Senator Manny Pacquiao na nagsampa ng tatlong magkakahiwalay na panukala na naglalayong magkaroon ng death penalty sa bansa.
Sa panayam kay Fr. Jerome Secillano ng Parish of the Nuestra Senora del Perpetuo Socorro, sinabi nito na ”the problem with him is that he’s a little bit inconsistent with his convictions.”
“If he can assail the LGBT (Lesbians, Gays, Bisexual and Transgender) group based on his faith, why file a bill which I’m very sure goes against this same faith he adheres to?” tanong ni Secillano.
Naniniwala umano ang pari na hindi dapat maghalo ang ‘faith’ at paggawa ng batas sa bansa. Gayunpaman, binigyang diin ng pari na hindi umano dapat maloko ng mga pulitikong gumagamit sa kanilang pananampalataya para lang magpapogi.
Sa panig naman ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, ipinapaalala lang nito kay Pacquiao ang Fifth Commandment na nagsasabing “Thou Shall not Kill”.
Kasabay nito, hiniling ng pari na ipagdasal na lang ang Senador. (Leslie Ann G. Aquino)