Walang batayan si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa ipinipilit nitong hindi dapat sibilyan ang mamuno sa Internal Affairs Service (IAS) ng pambansang pulisya.

Ayon kay Senator Grace Poe, malinaw ang nakasaad sa Republic Act No. 8551 o PNP Reform and Reorganization Act of 1998 na sibilyan ang dapat na mamuno sa IAS para matiyak na malaya at patas ang mga imbestigasyon.

“The law specifically mandates a QUALIFIED civilian head for the Internal Affairs Service (IAS) to ensure impartial, independent and objective inspection and audit of personnel, and investigation of cases involving police officers.

The term qualified comes first,” diin ni Poe.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ipinipilit kasi ni Dela Rosa na dapat ay isang pulis ang mamumuno sa IAS at hindi sibilyan dahil mas maayos daw ang mga ito.

Hinamon ni Poe si Dela Rosa na suriin at ihayag ang mga nagawa ng IAS sa ilalim ng isang police officer para resolbahin ang mga kasong administratibo.

“Paano naman magkakakumpiyansa ang ating mga kababayan na magsumbong sa pulisya kung ang inirereklamong pulis ay sa kapwa pulis din irereklamo? Sa puntong ito, ang batas ay batas at dapat itong sundin,” giit ni Poe.

(Leonel M Abasola)