SYDNEY (AP) – Nailantad ng isang malakas na X-ray technique ang isang nakatagong imahe sa ilalim ng painting ng French impressionist painter na si Edward Degas.

Ibinunyag sa isang artikulo na inilathala sa online journal na Scientific Reports na ang imahe na itinago sa likod ng “Portrait of a Woman” ni Degas, ay isa pang babae. Naniniwala ang Australian researcher na siya ay si Emma Dobigny, isa sa mga paboritong modelo ng pintor.

Matagal nang alam ng mga eksperto na iginuhit ni Degas, ang pamosong portrait sa ibabaw ng isa pang imahe. Sa pagluma ng painting, nagsimulang lumutang ang malabong guhit ng tila isa pang babae sa ibabaw nito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina