ASSISI (AFP) – Nagtungo si Pope Francis sa bayan ng Assisi sa central Italy noong Huwebes para sa markahan ang 800th anniversary ng ‘Pardon of Assisi’, na sa ilalim nito ay maaaring malinis sa kasalanan ang tao.

Dumating ang 79-anyos na papa sakay ng helicopter sa bulubunduking bayan na sinilangan ni Saint Francis of Assisi.

Tahimik siyang nanalangin sa Porziuncola, isang maliit na simbahan sa loob ng Basilica of Saint Mary of the Angels kung saan itinatag ang Franciscan movement. Ang lugar ay naging pilgrimage destination para sa mga humihiling ng kapatawaran.

Ang ‘Pardon of Assisi’, tinatawag din na Porziuncula Indulgence, na dito ang mga nagpipinetensiyang pilgrims ay nakikibahagi sa taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1 at 2 upang maibigyan ng kapatawaran.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“The world needs forgiveness,” sabi ng papa sa loob ng basilica.