Nais baguhin ni dating Presidente at ngayon ay Representative Gloria Macapagal Arroyo ang Revised Penal Code upang maparusahan ang mga nagnanakaw ng mga kagamitan ng patay.

Ipinanukala ni Arroyo ang House Bill 423 kung saan binaggit niya na ang grave robbery ay isa sa mga matagal nang problema sa bansa na kailangan nang solusyunan.

“In the Philippine society, we have always paid our respects to our dead. More often than not, we adorn many gifts in their final resting places or provide them with sprawling mausoleums to commemorate their lives,” ani Arroyo, ngunit nananakaw lang umano ang mga ito.

Nilalayon ng HB 423 o Anti-Grave Robbers Act of 2016 na isama ang Article 302-A o probisyon ng Grave Robbery kung saan nakasaad na sakop ng robbery ang pagnanakaw sa mga puntod, kabaong, monument, gravestone, o mga commemorative, decorative at iba pang cemetery-related article sa mga sementeryo, pantiyon, o pinagburulan.

Eleksyon

Ilang araw matapos ipatupad election period, gun ban violators, pumalo na sa 85 katao

(Charissa M. Luci at Helen Wong)