Pakikinggan ng simbahang Katoliko ang panukalang divorce na isinusulong ng Gabriella Women’s Party-list, ngunit hindi ito nangangahulugan na papaboran ng mga taong simbahan ang nasabing panukala.

“The Church stand is always against divorce. But we can listen and be open. However, in principle, what God has joined together, let no man put us under,” ayon kay Most Rev. Fr. Felix Pasquin, Rector ng Diocese of Bacolod.

Ang House Bill No. 2380 o Divorce Bill ay muling isinampa sa Mababang Kapulungan nina Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas ng Gabriela, kung saan hinihiling ng mga ito na amiyendahan ang Article 26 at Articles 55 at 56 ng Executive Order No. 209 o Family Code of the Philippines, upang maisama ang divorce.

Sinabi ni Gabriela Negros Secretary General Mardem Jalandoni na sa panukalang diborsyo, ang mag-asawa ay may pagkakataong maghiwalay ng tuluyan, lalo na kung hindi na sila talaga pwedeng magsama.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa umiiral na legal options, maaari naman ang annulment ng kasal o legal separation ngunit hindi maikakaila na bukod sa sobrang mahal ng gastusin, napipilitan pang magsinungaling ang mga naghihiwalay na mag-asawa. (Carla N. Canet)