Kumpiyansa pa rin ang Office of the Ombudsman na ikukunsidera ng Supreme Court (SC) ang isinampa nilang motion for reconsideration kaugnay ng naibasurang kasong pandarambong laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kaugnay ng umano’y pagwaldas sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2008-2010.

Idinahilan ng Ombudsman na nagkaroon umano ng grave error sa panig ng Korte Suprema kaugnay ng due process of law.

Matatandaang inihayag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na “matibay at sapat ang kanilang ebidensiya laban sa dating punong ehekutibo kung kaya’t hiniling nila sa Kataas-taasang Hukuman na ikunsidera ang kanilang desisyon na nagpapalaya sa kongresista.

Si Arroyo ay naka-hospital arrest ng halos anim na taon sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) sa kasong plunder hanggang sa makalaya ito noong nakalipas na buwan sa utos na rin ng SC. (Rommel Tabbad)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists