Ang pagkain ng gulay at prutas ay nakatutulong upang maging masaya ang isang tao, ayon sa pag-aaral sa Australia.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga tao na dating hindi kumakain ng gulay at prutas ay nakaranas ng life

satisfaction na katumbas ng taong walang trabaho na nagkaroon ng hanapbuhay nang magsimulang isama sa kanilang daily diet ang prutas at gulay sa araw-araw.

Ang pagbabago sa life satisfaction ay mapapansin sa dalawang taon na pagbabago sa daily diets.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

“Eating fruit and vegetables apparently boosts our happiness far more quickly than it improves human health,” pahayag ng study co-author na si Redzo Mujcic, health economics research fellow sa University of Queensland in Australia.

Lumabas sa mga nauna nang pag-aaral na ang regular na pagkain ng prutas at gulay ay nakakapagpalakas ng physical health ng tao, ngunit ang ganitong epekto ay nagaganap lamang pagkatapos ng mahabang panahon, ayon sa mga mananaliksik.

“People’s motivation to eat healthy food is weakened by the fact that physical-health benefits, such as protecting against cancer, accrue decades later,” sabi ni Mujcic. Sa kabilang banda, ang pag-unlad ng psychological well-being ay mapabibilis, dagdag niya.

Sa pag-aaral, naghanap ang mga mananaliksik ng mahigit sa 12,000 katao sa Australia at sinubaybayan ang mga ito sa loob ng dalawang taon. Inusisa ng mga mananaliksik kung regular bang kumakain ng gulay at prutas ang mga ito at kung gaano karami ang kanilang nakakain. Tinanong din ang participants kung gaano sila kakuntento sa kanilang buhay, sa scale na 0 hanggang 10. Pinag-aralan din ang kanilang pagda-diet, kasama ang pagdaragdag sa kanilang pagkain ng gulay at prutas sa panahon ng pag-aaral, at lebel ng kanilang life satisfaction sa dalawang taon.

Nakita sa resulta ng pag-aaral na ang mga tao na nagsisimula pa lamang kumain ng prutas at gulay nang gawin ang pag-aaral, ay tumaas ang lebel ng life satisfaction sa pagtatapos nito.

Ang kaugnayan ng mataas na lebel ng life satisfaction at ng pagkain ng gulay at prutas ay napanatili bagamat may ilang pagbabago sa suweldo o iba pang pangyayari sa buhay ng mga tao, ayon sa pag-aaral, na ilalathala rin sa August issue ng American Journal of Public Health. Iminungkahi rin ng pag-aaral na hindi nagaganap ang dalawang bagay nang magkabaligtad – na ang taong nakararamdam ng kasiyahan ay nagsisimulang kumain ng gulay at prutas, sabi ng mga mananaliksik.

Hindi pa klaro kung bakit nakadaragdag ng life satisfaction ang pagkain ng prutas at gulay. Gayunpaman, naipakita sa nakaraang pag-aaral na ang malaking nibel ng pigments na carotenoids, na tinataglay ng ilang prutas at gulay tulad ng carrots, ay nakapagbibigay ng higher levels ng optimism. Ayon din sa pag-aaral, ang karagdagang diet ng mga pagkain na mayaman sa Vitamin B12, na taglay din ng mga prutas at gulay, ay makapagpapabilis ng neurotransmitter sa utak na tinatawag na serotonin, na responsable sa mood ng tao.

Ang resulta ng panibagong pag-aaral ay makatutulong sa pagkumbinsi ng mga doktor na kumain ng mga prutas at gulay, ayon kay Mujcic.

“Perhaps our results will be more effective than traditional messages in convincing people to have a healthy diet,” sabi pa niya. “There is a psychological payoff now from fruit and vegetables, not just a lower health risk decades later.”

“The results showed that there was a direct impact in terms of the amount of fruits and vegetables someone had and their overall well-being,” wika ni Antonella Apicella, nutritionist ng Lenox Hill Hospital, in New York City, na hindi kabilang sa pag-aaral.

Ang relasyon ng nutrisyon at ng emotional health ay makabago at mainit na paksa na dapat ay pag-aralan ng malalim sa hinaharap, dagdag niya. (Live Science)